“Deadliest prison fight” sa Mexico, 49 na preso ang patay

AP photo
AP photo

Nasawi ang 49 na preso at nasa 12 ang sugatan sa itinuturing na “deadliest prison fight” sa Mexico.

Ang away sa pagitan ng magkalabang “drug gangs” ay naganap sa overcrowded na Topo Chico prison sa Monterrey.

Naganap ang riot, isang gabi bago ang nakatakdang pagbisita ni Pope Francis sa Mexico.

Ayon kay Nuevo Leo Gov. Jamie Rodriguez, wala namang napaulat na nakatakas na preso dahil sa insidente.

Hatinggabi nang magsimula ang riot nang sunugin ng mga presong sangkot ang storage area ng bilangguan.

Karamihan sa mga nasawi ay natupok ang katawan.

Ang away ay sa pagitan ng dalawang paksyon na pinangungunahan ng mga miyembro ng Zetas drug cartel sa pamumuno nina Juan Pedro Zaldivar Farias alyas “Z-27,” at ni Jorge Ivan Hernandez Cantu.

Habang nagpapatuloy ang sunog, nagbatuhan ang mga preso.

Taong 2012 nang maganap din ang riot sa nasabing bilangguan kung saan 44 na miyembro ng Gulf cartel ang nasawi.

Read more...