Kiblawan, Davao Del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang lalawigan ng Davao Del Sur .

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers Southwest ng bayan ng Kiblawan, alas-6:07 umaga ng Biyernes (April 24).

May lalim na 22 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...