Tumatakbong konsehal sa Batangas, patay sa pananambang

crime-scene-e1400865926320Nasawi sa pananambang sa Sto. Tomas, Batangas, ang kapatid ng isang dating leader ng New People’s Army (NPA) na tumatakbong konsehal.

Kinilala ni Batangas Philippine National Police (PNP) Provincial Director Sr. Supt. Arcadio Ronquillo ang nasawing biktima na si Damasino “Caloy” Mabilangan Jr. at kapatid ng pinaslang na si dating NPA leader Hector “Ka Hector” Mabilangan.

Nabatid na nagjo-jogging ang biktima sa Barangay San Pablo nang hintuan ng riding-in-tandem saka pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang insidente kaagad tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa mabatid na direksyon.

Si Mabilangan ay dati ng konsehal ng bayan ng Sto. Tomas at muling tumatakbong konsehal ngayong 2016 elections.

Read more...