Naisagawang swab test sa Quezon City, 1,426 na

Dumami pa ang naisagawang swab testing sa Quezon City.

Batay sa QC Community-based testing update, 116 ang naisagawang swab test sa araw ng Huwebes, April 23.

Narito ang bilang ng naisagawang swab test sa mga sumusunod na ospital
– Quezon City General Hospital – 11
– Nova District Hospital – 60
– Maclang General Hospital – 10
– QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU) – 35

Sa kabuuan, nasa 1,426 swab tests na ang nakumpleto simula noong April 13.

Read more...