DOH, inilunsad ang kontra COVID chatbot na “KIRA”

Photo grab from PCOO Facebook live video

Opisyal nang inilunsad ng Department of Health (DOH) ang kontra COVID-19 chatbot na “KIRA.”

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang KIRA o “Katuwang na Impormasyon para sa Responsableng Aksyon” ay isang automated chatbot na makakatulong sa publiko para magkaroon ng access sa iba’t ibang impormasyon hinggil sa COVID-19 online.

Sa ganitong paraan, inaasahan aniya ng kagawaran na mababawasan ang pagkalat ng mga pekeng balita at impormasyon.

Ito aniya ang magsisilbing source ng mga beripikadong impormasyon na makukuha ng publiko.

Ani Vergeire, nakikipag-ugnayan na ang DOH, partners at developers nito sa iba’t ibang telecommunication companies para payagang magkaroon ng free data access sa KIRA.

Sa ngayon, maaari aniyang ma-access ang KIRA gamit ang free data sa Facebook messenger, Viber at sa official Facebook page ng DOH.

Read more...