Nasugatan ang mag-asawang sakay ng isang motorsiklo sa aksidenteng naganap sa westbound lane ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Naganap ang aksidente alas 5:44 ng umaga sa harap lamang ng Shopwise sa Commonwealth Avenue.
Sangkot sa aksidente ang isang Everlasting Bus, isang Mitsubishi Lancer at ang motorsiklo na sinasakyan ng mag-asawang sina Rey Tuay, 36-anyos at Marilyn Tuay-32 anyos.
Kapwa nagtamo ng galos at sugat sa binti ang mag-asawa.
Ayon sa mag-asawa, binangga sila ng kotse habang binabagtas ang kahabaan ng Commonwealth.
Hindi naman maipaliwanag nang mag-asawang Tuay kung paanong nasangkot sa aksidente ang bus.
MOST READ
LATEST STORIES