Kaso ng COVID-19 sa Bicol region, nanatili sa 34

Walang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol region sa araw ng Huwebes, April 23.

Ayon sa DOH CHD Bicol hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (April 23), 34 pa rin ang kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon.

Naitala ang mga kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Catanduanes – 1
– Camarines Sur – 7
– Albay – 26

Siyam na residente ang naka-confine sa ospital habang dalawa ang naka-quarantine.

Wala ring itinuturing na ‘probable case’ ngunit may 16 ‘suspected cases.’

20 pasyente sa rehiyon ang gumaling na sa sakit at tatlo ang pumanaw.

Read more...