Laguna, nakapagtala na ng 253 na kaso ng COVID-19

Umabot na sa 253 ang nagpositibo sa COVID-19 sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa Laguna Provincial Health Office hanggang 8:00, Huwebes ng gabi, 253 na ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan.

Pinakamaraming naitalang kaso sa San Pedro na may 39.

Narito naman ang naitalang kaso sa iba pang lugar:
– Los Baños – 34
– Calamba – 28
– Sta. Rosa – 26
– Biñan – 24
– Sta. Cruz – 18
– San Pablo – 15
– Cabuyao – 8
– Calauan – 6
– Liliw – 6
– Lumban – 6
– Pila – 6
– Victoria – 6
– Bay – 5
– Pagsanjan – 5
– Majayjay – 4
– Nagcarlan – 4
– Alaminos – 3
– Kalayaan – 3
– Cavinti – 2
– Pakil – 2
– Famy – 1
– Mabitac – 1
– Paete – 1

128 ang nananatiling naka-confine sa mga ospital at 57 ang nakasailalim sa home quarantine o isolation facility.

Batay pa sa datos, 48 ang gumaling na residente sa lalawigan habang 20 ang pumanaw.

Read more...