Easterlies, nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Photo grab from DOST PAGASA website

Umiiral ang Easterlies o hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean sa malaking bahagi ng bansa.

Sa weather forecast, sinabi ni PAGASA weather specialist Loriedin De La Cruz na magdudulot pa rin ang Easterlies ng mainit at maalinsangang panahon.

Narito naman ang limang lugar sa bansa na nakapagtala ng mataas na heat index:
– San Jose, Occidental Mindoro – 48.1 degrees Celsius
– Tanauan City – 47.1 degrees Celsius
– Sangley Point, Cavite City – 46.6 degrees Celsius
– Dagupan City – 44.6 degrees Celsius
– Puerto Prinsesa City – 43.5 degrees Celsius

Sa Metro Manila, nakapagtala ng 39 degrees Celsius na heat index.

Sinabi ng PAGASA na naitala ang nasabing heat index bandang 2:00, Huwebes ng hapon (April 23).

Patuloy namang nag-abiso ang PAGASA na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Dagdag pa nito, walang natututukang bagyo o low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Read more...