Base sa abiso ng Office of the Bar Confidant, malalaman ang mga nakapasa sa Bar exams sa April 29, 2020.
Ang mga pangalan aniya ng mga bagong abogado ay ipo-post na lamang sa website ng Supreme Court at babawalan ang mga bisita na magtungo sa bisinidad ng Supreme Court.
Wala rin ayon sa OBC na ipapaskil na mga pangalan sa SC bilang pagtugon na rin sa social distancing na pinapairal ng pamahalaan.
Ang mensahe naman ng 2019 Bar Chairman na si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe ay ia-upload na rin lamang sa website ng SC.
Maglalabas naman ng anunsyo ang OBC kung kailan ang oath-taking ng mga bagong abogado at roll-signing.
Isinagawa ang 2019 Bar examinations na siyang pinakamahirap na pagsusulit sa buong bansa noong apat na araw ng linggo ng Nobyembre sa University of Sto. Tomas.
Kabilang sa subjects ay ang Political Law, Labor Law, Mercantile Law, Taxation Law, Criminal Law, Civil Law, Remedial Law at Legal Ethics.
Mayroong 7,699 law gradutes ang kumuha ng pagsusulit.