Presyo ng bulaklak sa Dangwa, mataas na

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Malaki na ang itinaas ng presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila.

Bago ang pagsapit ng Valentine’s Day sa Linggo, February 14, higit sa doble na ng presyo ang nadagdag sa mga ibinebentang bulaklak.

Sa isinagawang price monitoring ng Radyo Inquirer sa Dangwa, ang isang bouquet ng Malaysian Mums ay P500 na ngayon mula sa dating P250 lamang.

Ang kulay pula na rosas ay P50 na ang bawat isa mula sa dating P20 lamang at maari pang tumaas ang presyo hanggang bukas.

Ang tatlong piraso ng kulay pula na rosas ay P350 na ngayon mula sa dating P50.

Ang isang dosena naman ng rosas ay P800 na ang halaga mula sa dating P300 lamang.

Mas mahal naman ang presyo ng China Rose na mabibili sa P2,500 kada isang dosena.

Sa ngayon matumal pa ang bentahan ng bulaklak sa Dangwa at inaasahan ng mga nagtitinda na simula bukas ay dadami na ang bibili ng mga bulaklak.

Ayon sa isa sa mga nagtitinda, sapat naman at sobra pa nga ang suplay ng bulaklak dahil matumal ang bentahan.

Read more...