Kakaibang Valentine’s Day gimik, kulay ng damit na isusuot, katumbas ng status ng love life

AP Photo
AP Photo

Maagang gugunitain ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department (QCFD) ang Valentine’s Day na pumatak sa araw ng Linggo.

Ngayong araw, February 12, simula na ng paggunita ng Araw ng mga Puso para sa mga tauhan ng QCFD.

At bilang bahagi ng aktibidad, may kakaibigang gimik ang pamunuan ng QCFD para kanilang mga empleyado.

Sa memorandum ni District Fire Marshal Sr. Supt. Jesus Fernandez, nagtakda ito ng kulay ng damit na isusuot ng mga tauhan ng QC fire department depende sa estado ng kanilang love life.

QCFD Photo

Narito ang kulay ng damit na isusuot ng mga tauhan ng QC fire department depende sa kung anong estado ngayon ng kanilang love life:

Red o Pula kung sila ay “in love”
Blue o Asul kung sila ay “still searching”
Yellow o Dilaw kung sila ay “married/taken”
Black o Itim kung sila ay “brokenhearted”
Green o Berde kung sila ay “single and available”
Violet o Lila kung “single not ready to mingle”
at Orange naman kung “It’s complicated”

Read more...