Ayon sa kanya, kulang ang supply ng Personal Protective Equipment (PPE) kung kaya takot na ang mga doctor na mag-duty doon. Ani n’ya: “Parang pupunta sila sa giyera na wala naman silang baril.”
Noong April 14, 2020 ay natanggap ni Avila mula sa Department of Health (DOH) ang order of reassignment n’ya patungo sa Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Las Piñas City.
Ang pagpapalipat kay Avila ay hindi lamang dahil sa kanyang Facebook post. Marami na palang issue na kinakasangkutan ito.
Noong July 2019, sinampahan si Avila ng kasong graft and malversation case sa Office of the Ombudsman. Inaakusahan si Avila sa pag-mamaneobra ng ilang proyekto sa NCMH na nagkakahalagang P60 million para mapunta sa isang kompanya na kasosyo s’ya.
Bukod pa rito, hanggang ngayon ay di pa rin na natatanggap ng Ombudsman ang ilang mga requirements mula kay Avila — kabilang na ang Personal Data Sheet, Oath of Office, Appointment, at Service Record. Ang mga dokumentong ito any noong October 2019 pa hinihingi ng Ombudsman mula sa pamunuan ng NCMH. May iba pang mga empleyado ng NCMH na hindi rin nakapagsumite ng nasabing requirements. May mga insider na nagsabi na ang ilan sa mga empleyadong ito ay mga anak ni Avila.
Alam naman ng lahat na ang mga anak ni Avila na sina Angel Aguilar, Mark Aguilar, Roseni Aguilar, at Sarah Joy Aguilar Lobo ay naging mga empleyado ng NCMH. Nabigyan rin ang bawat isa sa kanila ng immediate promotion. Ngunit ayon sa mga alituntunin ng Civil Service Commission ay maaring makasuhan ng nepotismo si Avila. Nung tinawag ang pansin ni Avila tungkol rito, sinasabing tinembrehan n’ya ang kanyang mga anak upang mag-resign ang mga ito. Pagkatapos nito ay sumama kay Avila papuntang Australia, kung saan sila nanatili mula December 17, 2019 hanggang February 27, 2020. Ito ang pang-apat na beses na pagbiyahe ni Avila papuntang Australia sa loob ng 14 na buwan. Ang unang pagbiyahe n’ya ay noong October 2018.
Bukod sa mga ni Avila, may iba pang naipasok sa NCMH si Avila noong s’ya ay tumayo ring chairman ng Selection and Promotion Board (SPB) ng NCHMH. Ang mga sumusunod ay pawang kamag-anak n’ya o may personal na kaugnayan sa kanya:
1. Aileen Tambago (kapatid)
2. Donaliza Indong (kamag-anak)
3. Cristy Indong (kamag-anak)
4. Liza Andez Quinonez (kamag-anak)
5. Rommel Ty (kamag-anak)
6. Maribel Andeza (kamag-anak)
7. Jonalyn Supilanan (kamag-anak
8. Fe Avila Reyes (kapatid)
9. Larry Andeza (kamag-anak)
10. Ruben Reyes (pinsan)
11. Julz Reyes (asawa ng pinsan)
Nakatala na ang kasong ito sa Ombudsman sa case number FF-C-19-0379.
May mga spekulasyon na kaya nanggugulo si Avila sa NCMH ay para hindi na pag-usapan ang mga kaso o anomalya na kinasasangkutan n’ya. Pero dapat ito ay harapin na n’ya para hindi na nakakagulo pa sa NCMH.