Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 191.88 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (April 23) mas mababa sa antas nito kahapon na 192.06 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.79 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 76.84 meters habang nabawasan din ang Ipo dam na nasa 100.61 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.63 meters.
Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.
MOST READ
LATEST STORIES