Pulis na tatay ni Baeby Baste gumaling sa COVID-19; nakabalik na sa serbisyo

Nakabalik na sa serbisyo ang pulis na tatay ni Baeby Baste.

Ito ay makaraang makarecover sa sakit na COVID-19 ang ama ng bata.

Sa kaniyang Instagram Account ibinahagi ni Baste ang larawan ng ama at sinabing balik-trabaho na ito.

Ayon kay Baste frontliner ang kaniyang ama.

Dasal din ni Baste na sana ay gumaling na ang iba pang kasamahan ng kaniyang Papa na nasa isolation building sa Camp Crame.

 

 

 

 

Read more...