Sabi ni Castelo, maaring makipag ugnayan ang Supreme Court (SC) at Department of Justice (DOJ) sa Department of Health para maisagawa ang test.
Kailangan anyang malaman ng pamahalaan kung carriers ng COVID-19 ang palalayaing inmates dahil kung mapauwi ito ng kanyang bahay at positibo sa sakit ay maaring maging carrier sa pamilya at komunidad.
“The government should determine if the prisoners to be released are coronavirus carriers or not. If they are and are sent home, they can spread the virus to their families and the community,” ani Castelo.
Kapag nagpositibo anya sa test ang bilanggo kailangan agad i-isolate, gamutin at magsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha nito.
Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng pasya ng Supreme Court na payagan na makalaya ang ang bilanggo na ang tagal ng pagkakakulong ay katumbas o sobra pa sa parusa sakaling mapatunayang guilty sa kasong ibinibintang sa kanila.