Kikitain ng “The Last Dance” series ni Michael Jordan ibibigay sa charity

Ido-donate ang kikitain ng “The Last Dance” documentary series ni Michael Jordan.

Nagsimula nang umere ang naturang serye noong Lunes ay ayon sa ESPN, agad itong naging “most-viewed documentary content”.

Ang 10-part na serye tungkol kay Michael Jordan at final championship ng Chicago Bulls noong 1997-98 NBA season ay nakakuha ng average na 6.1 million viewers sa unang dalawang episodes.

Base sa ulat, kikita si Jordan ng $3 million hanggang $4 million sa serye.

Pero ayon sa Forbes, idodonate ni Jordan ang buong kita niya sa charity.

 

 

 

 

 

Read more...