Santa Ana, Cagayan niyanig ng magnitude 3.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Santa Ana sa lalawigan ng Cagayan.

Naganap ang lindol alas 7:04 ng umaga ng Huwebes, April 23.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa layong 52 kilometers northwest ng Santa Ana.

May lalim na 21 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

Read more...