Convoy ng mahigit 300 OFWs na uuwi dapat sa Batangas hinarang ng mga residente

FILE PHOTO

Nagkaaberya ang biyahe ng mahigit 300 Overseas Filipino Workers na uuwi dapat ng Lian, Batangas.

Ang mga OFW ay inihatid ng OWWA sa Batangas sakay ng 13 bus para sumailalim sa quarantine doon.

Pawang galing sila ng Saudi Arabia, Kuwait, at Qatar.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, pagsapit sa Nasugbu dakong alas 2:00 ng madaling araw ay may mga residenteng nakabarikada kaya hindi nakadaan ang mga bus.

Magtutungo sa Batangas si Cacdac para makipag-usap sa lokal na pamahalaan.

Read more...