39 na volcanic earthquake naitala sa Taal Volcano

Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 39 na volcanic earthquake sa Bulkang Taal.

24 sa nasabing mga pagyanig ay pawang volcano-tectonic earthquakes at naitala sa Mabini at Balayan Bay.

Pinakamalakas na pagyanig ay may magnitude na 4.5 at 4.6 at naitala ang Intensity I sa Agoncillo at Lemery at Intensity III sa Mabini

May naitala din na Intensity II sa Taal at Lemery at Intensity I sa Agoncillo, Batangas.

Sa kabila ng serye ng pagyanig kahapon ay nananatili sa Alert Level 1 (Abnormal) ang bulkan ayon sa Phivolcs.

Read more...