Ayon kay 2GO Group chairman Dennis Uy nakipag-usap na siya sa iba pang shareholders ng kumpanya at nagpasya silang i-waive na ang P35-million na bayarin.
Naging kontrobersiyal ang usapin matapos sabihin ni Transportation Secretary Arthur Tugade na magbabayad ang gobyerno ng P35 million sa pagrenta sa dalawang barko.
Ayon kay Uy, ang halaga ng operasyon ng dalawng barko bilang quarantine facilities ay aabot sa P260 million.
Pero dahil tulong naman ang pagpapagamit nila ng dalawang barko ay nag-alok ang DOTr na magbayad pa din ng P35 million.
Ayon kay Uy hindi na nila tatanggapin ang nasabing halaga at sya na rin ang gagastos sa iba pang kailangan sa operasyon ng barko bilang quarantine facility.