Meralco, pinagpapaliwanag ng ERC sa itataas sa bill ngayong buwan

meralco2Aatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang meralco na magpaliwanag sa gagawing pagtaaas sa singil sa kuryente ngayong buwan.

Ito ay matapos ianunsyo ng Meralco ang 42 centavos kada kilowatt hour na pagtaas sa singil.

Ayon kay ERC spokesperson Atty. Rexie Digal, nais nilang malaman kung tama ang formula na ginamit ng Meralco sa pag-compute sa ipatutupad na dagdag singil.

Sinabi ni Digal na kadalasan kasing halaga ng pagtaas ay 10 hanggang 20 centavos lamang kaya itinuturing nilang malaki ang impact sa mga consumers ng 42 centavos na itataas ng Meralco.

Paliwanag ni Digal, tungkulin ng ERC na tignan kung tama ang naging calculation.

Una nang sinabi ng Meralco na ang pagtaas na 42 centavos per kilowatt hour ay katumbas ng ng P84 na pagtaas sa bill ng mga consumer na kumokonsumo ng 200 kWh; P126 para sa mga kumokonsumo ng 300 kWh kada buwan; P168 para sa mga kumokonsumo ng 400 kWh at P210 para sa mga kumokonsumo ng 500 kWh kada buwan.

Read more...