Rizal mayroon nang 324 na kaso ng COVID-19

Umabot na sa 324 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Ayon sa update mula sa Rizal Provincial Government, sa nasabing bilang 53 ang naka-recover at 50 ang nasawi.

Mayroon namang 509 na suspected COVID-19 cases sa Rizal.

Narito ang mga lugar sa Rizal na mayroong mga kaso ng COVID-19:

Antipolo – 101
Cainta – 86
Binangonan – 35
Taytay – 32
San Mateo – 20
Montalban – 16
Teresa – 10
Angono – 9
Cardona – 5
Morong – 4
Baras – 3
Jalajala – 2
Tanay – 1

Nananatili namang walang kaso ng COVID-19 sa Pililia.

 

 

 

 

 

Read more...