Quezon City nakapagsagawa na ng 1,310 na swab tests sa kanilang community based testing

Umabot na sa 1,310 ang naisagawang swab tests sa Quezon City.

Ito ay mula nang umpisahan ang kanilang community based testing noong April 13.

Kahapon 177 pang swab tests ang naisagawa sa lungsod.

Ginagawa ang community based testing sa Quezon City General Hospital, Novaliches District Hospital, Maclang General Hospital, Matandang Balara Annex, Quezon Memorial Circle, UP Asian Institute of Tourism at sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

 

 

 

Read more...