Kaso ng COVID-19 sa QC umabot na sa 1,072

Nakapagtala na ng 1,072 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Local Government, sa nasabing bilang 913 ang tukoy ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address ng mga pasyente.

Ang iba pa ay patuloy na isinasailalim sa validation.

Mayroong 112 na pasyente ng COVID-19 ang naka-recover sa lungsod at mayroong 101 na nasawi.

203 naman ang suspected COVID-19 cases sa lungsod.

 

 

 

Read more...