Palasyo, tiwalang kayang ayusin ng COMELEC ang mga problema

 

Inquirer file photo

Sa kabila ng mga problemang nararanasan ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang paghahanda sa darating na halalan sa May 9, tiwala pa rin ang Palasyo na maaayos rin ang mga ito.

Ayon kay Presidential Communications Sec. Herminio Coloma Jr., kumpyansa ang Malacañang na hindi basta-bastang hahayaan ng COMELEC na ma-antala ang eleksyon dahil sa mga glitches ng kanilang gagamiting automated system.

Ani Coloma, naniniwala silang ginagawa na ng COMELEC ang lahat para ma-resolbahan ang mga problema sa vote-counting machines para matiyak na maisagawa ang halalan sa nakatakdang panahon.

Dagdag pa niya, wala namang itinatago ang COMELEC sa publiko at inilalahad naman nila ang lahat ng mga problema at solusyon na mayroon sila para sa problema sa source code.

Matatandaang sunud-sunod ang mga lumabas na problema ng COMELEC, tulad ng errors sa source code at ang hindi pag-tanggap ng vote-counting machines ng ilang mga tinest na balota na nag-resulta ng pagka-urong ng pag-iimprenta ng mga balota.

Ipinahayag ito ni Coloma matapos magpahiwatig ng pagka-bahala ang ilang mga kandidato sa magiging kredibilidad ng halalan gamit ang automated system.

Read more...