Confirmed COVID-19 cases sa Maynila, 519 na

Nadagdagan pa rin ang mga residenteng tinamaan ng COVID-19 sa Lungsod ng Maynila.

Sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Lunes ng hapon (Aprill 21), 27 ang panibagong kaso sa lungsod.

Dahil dito, umabot na sa 519 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Narito ang napaulat na kaso sa mga sumusunod na lugar:
– Binondo – 7
– Ermita – 17
– Intramuros – 1
– Malate – 33
– Paco – 28
– Pandacan – 25
– Port Area – 4
– Quiapo – 10
– Sampaloc – 108
– San Andres – 37
– San Miguel – 8
– San Nicolas – 6
– Sta. Ana – 24
– Sta. Cruz – 51
– Sta. Mesa – 43
– Tondo 1 – 67
– Tondo 2 – 50

Batay pa sa datos, walanh itinuturing na ‘probable’ habang 673 ang ‘suspected COVID-19 cases.’

Samantala, umabot na sa 62 ang pasyenteng gumaling sa lungsod at 54 ang pumanaw.

Read more...