Sa huling datos ng Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (April 22), 78 pulis na ang tinamaan ng COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa PNP, 96 pulis ang itinuturing na ‘probable case’ habang 569 ang ‘suspected COVID-19 cases.’
Nananatili sa 12 ang bilang ng mga gumaling sa hanay ng pambansang pulisya at tatlo ang pumanaw.
Inabisuhan ang mga pulis na nakararanas ng sintomas sa COVID-19 na tumawag sa mga numero ng PNP Health Service.
MOST READ
LATEST STORIES