Columbio, Sultan Kudarat niyanig ng lindol

Yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Columbio, Sultan Kudarat Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 11 kilometers Northeast ng Columbio dakong 9:17 ng gabi.

1 kilometer ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...