COVID-19 cases sa Valenzuela City, nasa 80 na

Nasa 80 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Batay sa Valenzuela City monitoring report, naitala ang 80 COVID-19 cases sa lungsod hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (April 22).

Sa nasabing bilang, 67 ang aktibong kaso.

212 ang itinuturing na “suspected COVID-19 cases” habang wala namang “probable case.”

Nakasaad din sa inilabas na datos na pitong residente sa lungsod ang naka-recover at anim ang nasawi.

Read more...