Ayon kay Admiral Harry Harris Jr., pinuno ng US Pacific Command, balak pa nilang palawigin ang mga nagaganap na military exercises sa naturang rehiyon.
Naniniwala si Harris na nababawasan ang tensyon sa South China Sea sa kanilang ginagawang freedom of navigation operations sa lugar.
Nais din ng Estados Unidos na magkasama-sama ang mga bansa na kaalyado ng Amerika sa paglalabas ng nagkakaisang pahayag laban sa mga kilos ng China sa pinagtatalunang lugar.
Matatandaang inakusahan ng China ang US na sadyang pinatataas ang tensyon sa South China Sea matapos ang paglapit ng isang US Navy destroyer sa isa sa mga islang kontrolado ng China sa PAracel group of islands noong January.
Una nang hiniling ng Pilipinas sa Amerika na sabay itong magsagawa ng naval patrol sa South China Sea.
Samantala, hindi naman kinumpirma ni Harris ang ulat na magsasagawa na ito ng joint naval patrol sa lugar kasama ang puwersa ng India sa loob ng taong ito.