341 Filipino seafarers mula France, balik-Pilipinas na

Nakauwi na ng Pilipinas ang mahigit 300 Filipino seafarers mula sa France, Miyerkules ng hapon.

Sinalubong ng ilang opisyal mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang 341 Filipino seafarers ng Costa Smeralda.

Samantala, 223 pang Filipino mula naman sa Saudi Arabia ang nakabalik na rin ng bansa.

Nakauwi ang mga Pinoy sa pamamagitan ng special flight ng Saudia Airlines patungong Pilipinas.

Sinabi ng kagawaran na tuloy pa rin ang kanilang hakbang para ma-repatriate ang mga overseas Filipino bunsod ng COVID-19 pandemic.

Read more...