Heat index sa Science Garden, QC umabot sa 42 degrees Celsius


Mainit at maalinsangang panahon ang naranasan sa Quezon City, araw ng Miyerkules.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 42 degrees Celsius ang naramdamang heat index sa bahagi ng Science Garden sa Quezon City.

Naitala ito bandang 1:50, Miyerkules ng hapon (April 22).

Samantala, umabot naman sa 35.2 degrees Celsius ang maximum temperature sa nasabing lugar.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...