Bilang ng pulis na apektado ng COVID-19, umakyat na sa 77

Nadagdagan pa ang bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19.

Sa huling datos ng Philippine National Police (PNP) hanggang 6:00, Martes ng gabi (April 21), nasa 77 na pulis ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit.

62 pulis ang itinuturing na “probable” habang 593 ang “suspected COVID-19 case.”

Samantala, 12 pulis ang gumaling at naka-recover sa COVID-19.

Nasa tatlo naman ang pumanaw bunsod ng pandemic.

Inabisuhan ang mga pulis na nakakaranas ng sintomas ng sakit na agad tumawag sa mga numero ng PNP Health Service.

Read more...