Mainit na temperatura, naitala sa ilang lalawigan sa bansa

Nakapagtala ang PAGASA ng mainit na temperatura sa limang lalawigan sa bansa.

Ayon sa PAGASA, umabot sa 38.7 degrees Celsius ang temperatura sa Tuguegarao City.

Narito naman ang naitalang temperatura sa iba pang lugar:
– Echague, Isabela – 37.9 degrees Celsius
– Camiling, Tarlac – 37.4 degrees Celsius
– San Jose, Occidental Mindoro – 37.3 degrees Celsius
– Zamboanga City – 36.6 degrees Celsius

Sinabi ng weather bureau na naitala ang nasabing mainit na temperatura sa araw ng Martes, April 21.

Paalala ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...