Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng National ID System.
Ayon kay NEDA acting Secretary Karl Kendrick Chua, target ng pangulo na makumpleto ang 80 hanggang 90 million registration bago pa man matapos ang termino nito sa 2022.
Pinagsusumikapan na aniya ng Philippine Statistics Authority na makapag-rehistro ng limang milyon sa 2020 para ma-identify na rin sa Social Amelioration Program (SAP).
Sa ganitong paraan, makapagbubukas na aniya ng bank account ang nakakuha na ng national id at mapabibilis ang pagbibigay ng cash assistance at hindi na ang door-to-door na ginagawa ngayon.
August 2018 nang lagadaan ng pangulo ang Philippine Identification System Act na naglalayong pag-isahin ang iba’t ibang government ID sa pamamagitan ng paglalagay ng single national identification system.