Bibigyan ng pasadong grado ang lahat ng estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa 2nd semester/trimester ng AY 2019-2020.
Ayon kay PLM President Noel Leyco, ito ay kasunod ng matinding epekto ng COVID-19.
Batay sa inilabas na memorandum no. 2020-0421-01, inaprubahan ng Board of Regents ang Alternative Grading System matapos ang isinagawang special meeting noong April 21.
Para mabigyan ng Pass (P) Mark ang estudyante na naka-enroll sa 2nd semester/trimester ng AY 2019-2020, kailangang matapos ang mga sumusunod:
– Makapagsumite ang graduating undergraduate student na naka-enroll sa Thesis Writing ng final thesis sa College. Kailangang maaprubahan ng thesis adviser ngunit hindi na kailangang dumaan sa panel defense
– Makumpleto ng estudyante na naka-enroll sa internship course ang alternative activites na ia-assign ng College
“The Pass (P) Mark shall not form part of the student’s General Weighted Average (GWA) and shall not be used for purposes of scholarships, retention or academic honors,” nakasaad pa sa memorandum.
Narito ang bahagi ng memorandum: