Aroganteng Uber driver, pinagmumulta ng 200 libo

 

Bukod sa pagpapataw ng multang nagkakahalagang P200,000, kinansela pa ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Uber driver na nagbantang na pupukpukin sa ulo ang isang stewardess na kanyang naging pasahero.

Inaprubahan na ni LTFRB Chair Winston Ginez at ng board si Nicolo Lizaso ang utos na nagbabawal kay Lizaso na mag-operate ng public utility vehicle nang walang kaukulang otoridad ayon, sa joint Administrative order no 2014-01.

Noong September 24, 2015, ibinulalas ng flight stewardess na si Christine Fulgencio sa kaniyang Facebook ang kaniyang reklamo ng pagiging arogante sa kaniya ni Lizaso.

Pinagmumura at inambahan kasi siya aniya ni Lizaso na hahampasin ng tubo nang hindi niya agad maibigay ang kaniyang saktong destinasyon.

Sa desisyon ng LTFRB, wala silang nakitang merit sa paliwanag ni Lizaso na ginawa lang niya ito dahil naging arogante rin sa kaniya si Fulgencio.

Dahil dito, blacklisted na ang conduction sticker ni Lizaso na YP7587, at sinumang gagamit nito ay huhulihin at mai-impound ang gamit na sasakyan.

Read more...