PUP professor, patay sa pananaksak

 

Natagpuan na naliligo na sa kaniyang sariling dugo, nakahandusay at wala nang buhay na katawan ng isang propesor sa Polytechnic University of the Philippines.

Patay dahil sa dami ng natamong saksak sa katawan si Prof. Isagani Sta. Maria na natagpuan ng kaniyang mga kasamahan sa simbahan dakong alas-8 ng gabi, sa loob ng kaniyang unit sa Greenery Building, One Metropolitan Place sa Barangay 153.

Isang 9 na pulgadang kutsilyo ang ginamit sa pananaksak kay Sta. Maria, at natagpuan pa ito sa tabi ng kaniyang bangkay.

Ayon kay PO3 Giovanni Arcinue, hindi na matagpuan sa loob ng unit ni Sta. Maria ang kaniyang cell phone at wallet.

Sa pahayag ng mga pulis, isang guwardya ng condominium ang nakapansin na hinatid si Sta. Maria ng pedicab dakong alas-5 ng hapon ng Miyerkules.

Isang oras ang nakalipas nang makita muli ng guwardyang si Victor Prado ang pedicab driver na nagmamadaling lumabas sa Gate 2 sa Apelo Cruz St.

Aniya, nakasuot ng pulang baseball cap at sports jersey na may number 44 sa likod ang driver.

Si Sta. Maria ay isang propesor sa PUP College of Political Science and Public Administration.

Read more...