Magnitude 4.2 na volcanic earthquake naitala sa Mabini, Batangas

Nakapagtala ng magnitude 4.2 na pagyanig sa bayan ng Mabini sa Batangas.

Ayon sa Phivolcs naganap ang lindol alas 10:36 ng umaga sa 3 kilometers northwest ng Mabini.

Volcanic ang origin ng pagyanig ayon sa Phivolc o dahil sa aktibidad ng bulkan.

10 kilometers ang lalim ng lindol.

Hindi naman nakapagtala ng intensities at wala ring inaasahang pinsala dahil sa nasabing lindol.

Samantala, alas 11:06 ng umaga nang makapagtala naman ng magnitude 4.5 pang pagyanig sa bayan din ng Mabini.

Ang epicenter ng lindol ay sa 3 kilometers southwest ng Mabini.

Naitala ang Intensity II sa Bauan, Batangas at Intensity I naman sa Agoncillo, Lemery at Taal, Batangas.

 

 

 

 

Read more...