Mabini, Batangas niyanig ng malakas na lindol

( UPDATE) Itinaas ng Phivolcs ang naunang naitalang pagyanig na magnitude 3.7 na lindol sa lalawigan ng Batangas sa magnitude 4.6.

Naitala ang pagyanig sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Mabini, alas-11:19 umaga ng Miyerkules (April 22).

May lalim na 11 kilometers at volcanic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang sumusunod na intensities:

Intensity III – Bauan, Batangas
Intensity II – San Nicolas at Taal, Batangas
Intensity I – Agoncillo at Lemery, Batangas

Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Calatagan, Batangas.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

 

 

 

Read more...