Base sa consolidated bill nina Marikina Rep. Stella Quimbo and Albay Rep. Joey Salceda,
mabibigyan ng ayuda hindi lamang ang mga nagtatrabaho sa mga maliliit na negosyo kundi maging ang sa mga malalaki ring kompanya na apektado ng Luzon-wide lockdown.
Para mapasama sa programang ito, sinabi ni Salceda na dapat mapanatili ng mga kompanya ang 90 porsiyento ng mga regular na empleyado nito.
Ayon naman kay Quimbo na 25 percent hanggang 75 percent ng actual payroll ng empleyado ng mga non-essential companies na apektado ng quarantine period ang maaring sagutin ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Hangad ng panukala na matiyak ang continuity ng mga negosyo, walang matanggal na empleyado at mapanatili ang kanikanilang mga sahod.
Naniniwala si Speaker Alan Peter Cayetano na sa pamamagitan ng wage subsidy program na ito ay mapapahupa negatibong epekto ng enhanced community quarantine sa micro at macro economic levels.
Umaasa naman ang economic team ng Duterte administration na maipatupad ang first tranche ng subsidy na ito mula Mayo 1 hanggang 15 habang ang second tranche naman sa Mayo 16 hanggang 30.
Inaasahang nasa 2.6 million empleyado na ang mga employers ay registered sa SSS at BIR ang magbebenepisyo sa programang ito.
Bukod dito, 800,000 pang mga mganggagawa na hindi compliant sa BIR at SSS regulations ang magbebenepisyo rin dito.
Mataas ang panukala sa Kamara kumpara sa P51-billion proposal na isinumite ng executive brance sa Kongreso.