Pilipinas makikiisa sa solidarity/clinical testing sa COVID-19

Photo grab from PCOO Facebook video

Tiniyak ng Malakanyang na makikiisa ang Pilipinas sa mga bansang gumagawa ng pananaliksik sa bakuna kontra sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi mag-aatubili ang Pilipinas na sumama sa solidarity testing.

Kinakailangan aniya na pumayag ang mga may sakit ng COVID-19 na subukan sa kanila ang mga posibleng gamot o bakuna laban sa COVID-19.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na rin aniya ang nagsabi na kaisa ang Pilipinas sa World Health Organization pagdating sa clinical testing.

May pakikipag-ugnayan na rin aniya ang John Hopkins University sa University of the Philippines System para magkaroon ng kolaborasyon pagdating sa clinical research.

Ayon kay Roque, nagpahayag na rin ng suporta si Pangulong Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay Chinese Premier Li Keqiang na handang tumulong ang Pilipinas sa clinical testing.

 

 

 

 

Read more...