Landbank nagdagdag ng Branch na bubuksan para sa PUV drivers na kukuha ng cash assistance

Dinadagdagan ng Landbank ang mga branch nito sa Bulacan at Rizal para sa pamamamahagi ng cash assistance sa mg PUV driver sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bukas hanggang sa Biyernes, April 24 mula alas 8:30 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali ang sumusunod na branch ng Landbank:

BULACAN:
Balagtas
Baliuag
Malolos Highway
Malolos Plaza
Pulilan
San Ildefonso
San Jose Del Monte
Sta. Maria

RIZAL:
Antipolo
Binangonan
Cainta
Tanay
Taytay

Tatanggap ng hanggang 200 na benepisaryo lamang kada araw ang nasabing Landbank branches.

 

 

 

Read more...