Mas mahigpit na pagpapairal ng ECQ sa Cavite inumpisahan na; halos 300 nahuling lumabag

Sa mas pinahigpit na pagpapairal ng enhanced community quarantine sa Cavite, umabot sa halos 300 agad na mga residente ang nahuling lumabag.

Ang mga ito ay nahuli sa operasyon ng PNP-AFP Task Force sa Trece Martires City.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, isa sa mga naaresto ay kamag-anak ni Trece Martires City Mayor Gemma Lubigan.

Kasabay nito binalaan ni Remulla ang pamunuan ng Homeowners Association sa mga subdivision sa lalawigan.

Ani Remulla, walang batas na nagbabawal na mapasok ng PNP at PNP ang mga subdivision.

Ngaong araw, nakadeploy ang AFP-PNP Task Force sa mga palengke ng Zapote, Imus, at Kadiwa.

 

 

 

 

Read more...