33 arestado sa Olongapo dahil sa droga at mga armas

 

Mula sa Google Maps

Arestado sa Olongapo City ang 33 suspek dahil sa iligal na droga at pagbibitbit ng mga armas sa kabila ng election gun ban.

Ayon kay Chief Insp. Ferdinand Mendoza, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Zambales, nadakip ang mga suspek sa Brgy. Pag-asa ganap na ala-una ng madaling araw, sa bisa ng search warrants mula sa korte.

Pito pa aniya sa mga naaresto ay pawang mga kababaihan.

Nasabat mula sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia, improvised shotgun, isang .38-revolver at mga pera.

Si Raymond Rosales, isa sa mga suspek, ay isa pa umano sa mga pinaghahanap ng mga otoridad dahil sa hinihinalang pagkaka-sangkot sa pagnanakaw at pagtutulak ng droga sa lungsod, pati na sa Subic.

Read more...