Poe sa Ilocos, Duterte sa Ortigas Forum, Binay sa Cavite at Roxas sa LMP

 

Sa Ilocos Norte nagtungo si presidential candidate Sen. Grace Poe na sinalubong ni Governor Imee Marcos na kapatid ni vice presidential candidate Sen. Bongbong Marcos.

Sa kanilang pagkikita pabirong sinabi ni Gov. Marcos na kanyang ‘kabsat’ ang senadora na ang ibig sabihin ay kapatid sa wikang Ilocano habang ‘manang’ naman ang turing ni Poe sa gobernadora.

Matatandaang matagal na ang mga kuwento-kuwento na anak diumano ni yumaong pangulo Ferdinand Marcos si Poe.

Samantala, sa isang medical forum sa Ortigas bumisita ang tambalan nina PDP-Laban tandem Rodrigo Duterte at Alan Peter Cayetano kahapon.

Ngunit bago pa man magbigay ng kanyang mensahe, biglang nahilo ang alkalde matapos itong makaranas ng migraine.

Sina Vice President Jejomar Binay na standard bearer ng United Nationalist Alliance ay nag-ikot sa lalawigan ng Cavite.

Hindi naman nakasama ni Sen. Bongbong Marcos si Sen. Miriam Defensor Santiago na naglibot sa La Union.

Humarap naman sa mga miyembro ng Liga ng mga Barangay si LP standard bearer Mar Roxas kasama si Pangulong Aquino at ibinida ang mga benepisyo ng Bottom-up Budgeting sa mga dumalo sa okasyon.

Read more...