Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 192.06 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (April 22) mas mababa sa antas nito kahapon na 192.25 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam na nasa 76.84 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 76.88 meters habang nanatili naman ang Ipo dam sa antas nito na 100.63 meters.

Samantala, nabawasan din ang water level ng Ambuklao, San Roque, Pantabangan at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Binga at Magat dams.

 

 

 

 

Read more...