Ligal ang shipment ng mga basura-Canada Foreign Ministry

 

Walang nakitang iligal ang Canadian Ministry of Environment sa pagpasok sa Pilipinas ng mahigit isandaang container na naglalaman ng basura na galing sa kanilang bansa.

Ito ang paliwanag ni Environment Ministry spokesperson Barbara Harvey sa liham na ipinadala sa Inquirer.net hinggil sa naturang isyu.

Giit ni Harvey, walang nilabag na batas ang Canada dahil hindi naman itinuturing na hazardous waste ang tone-toneladang basura na laman ng 103 container na dumating sa bansa tatlong taon na ang nakalilipas.

“Since the contents of the shipment to the Philippines were materials collected from households, the shipment was not illegal under Canadian regulations,” pahayag ni Harvey.

Hindi rin aniya lumabag sa Basel Convention ang Canada dahil hindi naman itinuturing na ‘hazardous o toxic waste’ kung hindi ‘household waste’ lamang ang mga basurang nakarating sa Pilipinas, batay sa imbestigasyon ng Environment Management Bureau ng Pilipinas.

Paliwanag ni Harvey, dahil pawang mga ordinaryong basura ang nilalaman ng mga container, hindi na kinailangan ng export permit mula sa Environment Canada ang mga container.

Ang Basel Convention on the Control of Trans-boundary Movements of Hazzardous Wastes and their Disposal ay nabuo noong 1989 at pirmado ng 53 bansa kabilang na ang Canada at Pilipinas.

Matatandaang sa pagitan ng 2013 at 2014, nasa 103 container ang dumating sa bansa mula Canada na idineklara ng exporter nito na Chronic Inc., bilang mga recyclable plastic materials.

Gayunman, nang siyasatin ng Bureau of Customs, nadiskubreng mga basura tulad ng bulok na pagkain at diaper ang nilalaman ng mga ito.

Gayunman, ilang mga environment groups ang pumalag dahil hindi kinastigo ng Canada ang exporter ng mga basura na Chronic Inc.

Matatandaang nasa 26 na container na naglalaman ng basura ang itinapon sa Capas, Tarlac noong July ng nakaraang taon na na ikinagalit ng mg areisdente at lokal na pamahalaan.

Read more...