Kaso ng COVID-19 sa QC umabot na sa 1,067

Nakapagtala na ng 1,067 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa Quezon City Local Government, sa nasabing bilang 898 ang tukoy ng lokal na pamahalaan ang kumpletong address ng mga pasyente.

Ang iba pa ay patuloy na isinasailalim sa validation.

Mayroong 103 na pasyente ng COVID-19 ang naka-recover sa lungsod at mayroong 98 na nasawi.

196 naman ang suspected COVID-19 cases sa lungsod.

 

 

 

 

Read more...